Ito’y ayon sa common friend ng talent manager na si Ogie Diaz at ni Kapuso actor.

“According to my friend, si Tom [Rodriguez] sobrang nami-miss si Carla kahit nasa US na at kasama ang kaniyang pamilya. Sobrang nami-miss si Carla. Once in a while, umiiyak pa rin si Tom kapag naalala niya si Carla,” ani Ogie sa pinakahuling update sa kaniyang YouTube showbiz channel ayon sa isang kaibigang source.

Habang patuloy umanong nai-enjoy ng aktor ang sarili sa ibang bansa, hindi pa rin umano ito tuluyang nakaka-move on sa kinahantungan nila ng dating asawa.

Basahin: ‘Carla had given up on our marriage’ — Tom Rodriguez – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Megan Young, ‘iyak malala’ sa pagka-evict ni Emilio Daez

“Kumbaga pinipilit ni Tom na makalimot, pansamantala. Pero ‘pag siya ang nag-iisa na at nag-iisip-isip, naalala niya si Carla,” ani Ogie.

“Talagang mahal pa rin ni Tom si Carla kaya lang gustong makipaghiwalay si Carla,” dagdag ng talent manager.

Samantala, unti-unti na raw tumatanggap ng raket si Tom sa Amerika habang hindi pa nakakabalik ng bansa.

Mayroon pa rin daw itong kasalukuyang kontrata sa GMA na ipinagpapasalamat ng aktor matapos payagan siyang magpahinga sa Amerika kasunod ng tinamong kontrobersiya.

Ilang mga intriga rin ang nilinaw ng source ni Ogie at pinabulaanan ang mga naunang item kagaya ng umano’y pambababae ni Tom at ang na-scam umano nitong ipon nilang mag-asawa na umabot sa halagang P24-M.

Noong Hunyo nang maglabas ng anunsyo si Tom ukol sa kumpirmasyon ng kanilang divorce ni Carla matapos ang ilang buwang espekulasyon ukol sa kanilang hiwalayan.