Pinaboran ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco ang desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) na ipatupad ang opsyonal na pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar na aniya ay maaaring makaakit ng mas maraming turista sa bansa.

Sinabi ni Frasco na batay sa isang comparative analysis ng mask mandates, ang liberal na paggamit ng face gear sa limang bansang ASEAN na bahagyang inalis ang paggamit ng face masks ay hindi lumilitaw na nagdulot ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19. Ito ay ang Singapore, Thailand, Malaysia, Vietnam, at Indonesia.

“There seems to be no direct correlation between the lifting of mask mandates and the increase in COVID-19 cases, only that the lifting of the mask mandates has served to more than double the tourist arrivals in these countries,” ani Frasco noong Biyernes.

Binanggit din ng kalihim ng Turismo na bukod sa Singapore, ang iba pang mga bansang ASEAN ay nakakita ng pangkalahatang pagtaas ng mga pagdating ng turista matapos ang liberalisasyon ng mga mandato sa face mask.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

“The Philippines is currently in a position wherein its existing entry and stay policies for tourists convey only a partial reopening of the country to international travel. For this reason, the Philippines is immediately at a grave disadvantage as a tourism destination vis-à-vis its neighboring ASEAN member states because the latter, which are the Philippines’ direct tourism competitors, have all lifted their mask mandates either totally or partially,” dagdag niya.

Aniya, sa mga bansang ASEAN, ang Pilipinas ay isa sa iilang bansa na hindi pa nagpapatupad ng pag-aalis ng mandato ng face mask. Idinagdag niya na maging ang Western Hemisphere ay nagsimula na ring iangat ang face mask mandate noong 2021.

Kabilang dito ang United Kingdom noong Abril 2021; ang natitirang bahagi ng European Union (EU) noong Mayo 2021, at ang United States of America (USA) noong Hunyo 2021.

Tinukoy ni Frasco ang lalawigan ng Cebu bilang isang modelo sa liberalisasyon ng mga mandato ng face mask. Ito ay matapos lagdaan ni Cebu Governor Gwen Garcia ang kautusan noong Hunyo 8, 2022, para i-rationalize ang pagsusuot ng face mask sa lalawigan.

"Pagkatapos ng pag-angat ng mga mandato ng maskara, lalo na sa labas, ang Cebu ay nagpapanatili ng medyo mababang pagtaas sa bilang ng mga naiulat na kaso ng COVID-19, at napanatili ang pag-uuri ng panganib sa mababang antas," dagdag ni Frasco.

Jun Marcos Tadios