Sinagot kamakailan ni Kapuso actress Carla Abellana ang payo ng isang netizen kaugnay ng kaniyang seguridad.

Sa ibinahaging Instagram post ni Carla kung saan sumabak siya sa isang gun firing session kamakailan, isang concerned fan ang nagpaalala sa kahalagahan ng nasabing sesyon para sa proteksyon ng aktres.

Basahin: Investment para sa seguridad: Carla Abellana, sumabak sa gun firing session – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Kailangan din natin mga babae ang matuto sa paghawak ng baril sa pabahon ngayon kahit saan kaa magpunta maraming masasamang tao makakatulong sa’yo yan Ms Carla kasi wala kang kasamang lalaki sa bahay mo n mag proprotekta syo ingat ka at alagahan mo ang iyong sarili,” anang netizen.

Events

Lotlot, sinabing pareho nang kumakanta sa langit 'Mommy at Mamita' niya

Pagtitiyak naman ni Carla, “Meron po. May personal security po ako dito.”

Napag-usapan naman ng tandem nina Mama Loi at Ogie Diaz sa showbiz program nito sa YouTube ang tila pagkabahala umano ni Carla sa kaniyang seguridad.

“Pero bakit parang naha-heighten ‘yung seguridad niya? May mga banta ba sa kaniya?” ani Mama Loin ang mapag-usapan ang komento ng aktres.

“’Yon ang hindi natin alam,” segunda ni Ogie.

Samantala, ayon sa isang source ni Ogie, patuloy pa rin daw na nami-miss ni Tom ang dating asawa ngayong nasa Amerika pa rin ito.