Usap-usapan ngayon ang anunsyo ng kaliwa’t kanang showbiz pages na nag-uulat sa umano’y paglipat na sa Kapuso Network ng isa sa mga pinakakilalang aktres ng kasaluluyang henerasyon at Viva talent na si Julia Barretto.
Tila kumpirmado na nga ang paglipat ni Julia sa sunod-sunod na mga ulat, partikular na ng mga GMA fan pages.
Noong Linggo, Setyembre 4, unang naiulat at maagang winelcome ng page na “Kapuso Forever” si Julia sa GMA.
Ayon sa nasabing ulat, na umano’y mula sa entertainment portal na PEP, matapos nina Xian Lim, Marco Gumabao, Billy Crawford at iba pang naglalakihang pangalan mula ABS-CBN, susundan na raw ito ni Julia.
Dagdag nito, nakatakda raw ang unang appearance ni Julia sa noontime show na Eat Bulaga bukas, Setyembre 10, kung saan sasalang ang aktres sa larong “Bawal ang Judgemental.”
Ganito rin ang nasabing ulat ng isa pang fan page na “Kapuso League” at parehong detalye ukol sa unang guesting nito ang naisiwalat.

Nitong Huwebes, sa pamamagitan ng isang Instagram story, kinumpirma mismo ni Julia ang ulat ukol sa kaniyang Eat Bulaga appearance.
Gayunpaman, hindi kumpirmado kung talagang mag-oober da bakod na ang aktres.
Abala rin kasi ngayon si Julia sa ilang promo guestings para sa pelikula nila ni Carlo Aquino na “Expensive Candy.”
Mapapanuod ang materyal sa mga sinehan simula Setyembre 14.