Kumpiyansa ang ina ni Heart na si Cecilia Ongpauco na mareresolba ng anak at ng asawa nitong si Chiz Escudero ang mga intriga ng hiwalayan, dahil nakilala niya umano mismo ang senador bilang “mature and grounded person.”

Ito lang ang tugon ni Cecilia habang aminado itong wala siyang kaalam-alam sa pinagdaraanan ng mag-asawa at hindi pa niya nakakausap ang kaniyang anak.

“It’s their private life so I am just praying for them. I know they will be OK! I’ve known Chiz to be a mature and grounded person that’s why I am happy for my daughter.” Anang ina sa isang panayam ng ABS-CBN News.

Basahin: ‘Very empty’: YouTube subscribers ni Heart Evangelista, may napansin sa latest vlog ng aktres – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Events

Ricky Lee, tinawag na 'rebelde' si Nora Aunor

Patuloy na naiipit sa mga intriga ang celebrity couple na nananatiling tikom pa rin sa mga isyu kaugnay ng kanila umanong hiwalayan.

Basahin: ‘Very empty’: YouTube subscribers ni Heart Evangelista, may napansin sa latest vlog ng aktres – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nitong Huwebes, pinabulaanan naman ng GMA Network ang isang ulat ukol sa umano’y anunsyo ng broadcast channel at kumpirmasyon na hiwalay na nga ang dalawa.

Basahin: GMA, pinabulaanan na maglalabas sila ng pahayag ukol sa umano’y hiwalayan nina Heart at Chiz – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa mga Instagram update ng aktres, tila abala pa rin ito sa pagpo-promote sa ilang brand sa gitna ng mga intriga.

Kaya nananatiling tanong ng marami ngayon – ano na nga ba ang totoong estado ng relasyon nina Heart at Chiz?