Ipinalandakan ng direktor na si Darryl Yap ang total gross ng pelikula niyang 'Maid in Malacañang' sa anim na bansa Middle East.
Tumabo na umano sa $1M ang total gross ng Maid in Malacañang sa UAE, KSA, Kuwait, Bahrain, Oman, at Qatar.
"A REAL PREMIERE, A REAL CINEMA RUN, NOT A BLOCK SCREENING OR KATSIPAN," sey ni Yap sa kanyang Facebook post nitong Biyernes, Setyembre 9.
Sa Pilipinas naman, ibinahagi ni Yap noong Setyembre 6 na pangatlo na ang pelikula bilang “highest-grossing Filipino movie of all time," matapos tumabo ang kita nito sa ₱𝟲𝟱𝟬 milyon.
Ang pelikulang ito ng VIVA Films at VinCentiments na umano ang “highest-grossing Filipino movie of all time” sa panahon naman ng pandemya.
Ang may hawak ng titulong “highest-grossing Filipino movie of all time” ay ang pelikulang “Hello, Love, Goodbye” ng Star Cinema noong 2019, na kauna-unahang tambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Kumita ito ng ₱880.6 milyon.
Sa isa pang Facebook post, sinabi ni Yap na ang mga nangyayaring tagumpay ngayon sa kaniyang buhay ay katuparan, ngunit sa tingin ng mga kalaban, kayabangan.
“35 years old.”
“13 Movies”
“2 Box Office Hits”
“11 Top Films on streaming”
“9 Million total social media followers”
“1 Billion Social media content views”
“0 reason to be bothered.”
“Sa kalaban, kayabangan. Sa nangangarap, katuparan,” aniya.
Basahin:https://balita.net.ph/2022/09/06/maid-in-malacanang-pangatlong-highest-grossing-filipino-movie-of-all-time-kabugin-kaya-ang-hlg/