Nakatakdang i-remit ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang ₱1.74 bilyong bahagi ng kinita nito para masuportahan ang Universal Health Care (UHC) program ng pamahalaan.
Isasagawa ang hakbang sa Setyembre 13 na kaarawan naman ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr..
Sinabi naman ni PCSO general manager Mel Robles, napirmahan na niya ang tsekeng nagkakahalaga ng ₱1,741,645,797 na ididiretso sa Bureau of Treasury (BTr).
“We hope to make President Marcos’s birthday celebration even more meaningful. Providing better, affordable, and accessible health services to all Filipinos ranks high in the president’s platform of governance,” ani Robles.
Aniya, ang nasabing halaga ay bahagi ng kontribusyon ng PCSO sa UHCP upang mapakinabangan ito ng bawat Pinoy sa pamamagitan ng National Health Insurance Program.
Mangangasiwa sa implementasyon ng programa ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ang naturang hakbang ng PCSO ay alinsunod sa Republic Act 11223 (UHC Act) kung saan iniuutos sa ahensya na maglalaan ng 40 porsyento ng kanilang charity fund upang masuportahan ang programa.
PNA