Matapos ang dalawang buwang pag-aawas sa singil sa kuryente, magpapatupad naman ang Manila Electric Co. (Meralco) ng 39.07 sentimo kada kilowatt hour (kWh) na dagdag-singil sa kuryente ngayong Setyembre.
Sa abiso ng kumpanya nitong Huwebes, sinabi nito na dahil sa dagdag-singil, ang overall electricity rate ngayong buwan ay aabot na sa₱9.9365/kWh mula sa dating₱9.5458/kWh lamang noong Agosto.
Ipinaliwanag ng Meralco na ang pagtataas ng singil ngayong buwan ay dahil sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at paghina ng palitan ng piso kontra dolyar, na humila rin sa pagtaas ng kanilang generation costs.
Ang generation charge ngayong Setyembre ay tumaas ng 35.81 sentimo o naging₱6.9393/kWh mula sa dating₱6.5812/kWh lamang noong nakalipas na buwan.
Ang charges naman mula sa Independent Power Producers (IPPs) ay tumaas din ng 80.26 sentimo habang ang Power Supply Agreements (PSAs) ay tumaas ng 33.16 sentimo kada kWh.
Idinagdag pa ng kumpanya, ang taas-singil ay katumbas ng₱78 dagdag para sa mga kumokonsumo ng 200 kwh kada buwan,₱117 sakonusmong300 kwh,₱156 sakonusmong400 kwh, at₱195 sa konsumong 500 kwh.