Mismong sina Manila Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo at City Administrator Bernie Ang ang inaasahang mangunguna sa pagdiriwang ng Mid-Autumn Festival, na kilala din bilang ‘Moon Festival’ o ‘Mooncake Festival’ sa Setyembre 10.

Ang naturang okasyon ay kinokonsidera bilang pangalawa sa pinakamahalagang festival sa China, kasunod ng Chinese New Year.

Nabatid na kabilang sa mga aktibidad na nakatakda para sa naturang pagdiriwang ay ang pormal na pagbubukas sa newly-rehabilitated Filipino-Chinese Friendship Arch, ganap na alas-7:30 ng gabi sa Setyembre 9.

Ang Filipino-Chinese Friendship Arch ay ang arkong bumabati sa lahat ng mga bumibisita sa Binondo.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Ayon kay Lacuna, ang arko na nasa dulong bahagi ng Jones Bridge, ay magkakaroon ng bagong bihis sa pamamagitan ng paglalagay ng kahanga-hanga at makukulay na mga ilaw upang mas lalo itong maging kaakit-akit at pinakahuling dagdag sa mga Instagrammable spots sa lungsod.

Anang alkalde, ang rehabilitasyon ng arko ay walang gastos sa panig ng lungsod dahil ito ay sinagot ng batang Chinese entrepreneurs sa pangunguna ng officers at members ng Filipino-Chinese Youth Business Association, Inc. (FCYBAI) at ng Filipino-Chinese Youth Business Association, Inc. (FCYBAI).

Labis naman ang pasasalamat ng lady mayor sa mga miyembro ng mga anturang grupo dahil sa pagboboluntaryo na pagandahin, panatilihin at ipreserba ang kagandahan ng pamosong arko.

Nabatid na may 800 na bumbilya ang ginamit upang pailawan ang arko.

Inaasahan namang dadalo rin sa okasyon sina Third District Congressman Joel Chua at 2nd District Councilor Numero Lim at chairman ng committee on international relations sa Manila City Council.

Matatandaan na isang memorandum of understanding (MOU) ang nilagdaan sa pagitan ng lungsod at ng FCYBAI, na kinatawan ng founding president at chairman na si Peter Zhuang; president Andrew Ong; Executive Vice President Jackie Chan; vice president Jerry See; Vice president Willy Chua; vice president Dick Go at architect Jacky Yi.

Ang MOU ay resulta ng resolusyon na iniakda ni Councilor Lim.

Sinabi ni Ang, na unang kinausap ng FYCBAI para sa plano bago ang implementasyon nito, na ang arko ay donasyon mula kay Mr. Chan Chau To ng Shanghai, China.

Ang Filipino-Chinese Friendship Arch ay itinayo noong 2015 sa panahong ang relasyon ng Philippine at China ay bahagyang nagulo dahil sa pag-aangkin sa tunay na pagmamay-ari ng South China sea o West Philippine Sea.

“The bridge was built when our country’s relations with China was at its worst, as a way of showing that the friendship between the two countries remains steadfast and that mutual respect will always be there,” ayon pa kay Ang.

Idinagdag pa nito na ang Filipino-Chinese Friendship Arch, ay magsisilbi bilang simbolo at testamento ng relasyon ng Philippines at China na naitatatag may 2,000 taon na ang nakakaraan.

"The newly-rehabilitated arch will be lighted up with 800 bulbs and cost at least a couple of million. The lights installed, unlike ordinary ones, will last for at least three to five years," sabi ni Ang.