Maglalaro na rin sa Japan B.League si dating PBA star Jay Washington.
Pumirma si Washington ng one season deal sa Ryukyu Golden Kings para sa susunod na season na magsisimula sa Setyembre 29.
Inanunsyo mismo ng naturang koponan ang pormal na paglalaro sa kanila ni Washington.
Katwiran ng Golden Kings, malaki ang magiging papel ni Washington sa koponan, lalo pa't runner up lang ito sa nakaraang season.
"We also expect him to play an active role as a backup big man during the absence of Hiyu Watanabe, who is waiting for his return from injury," ayon sa pahayag ng Ryukyu.
"The 2021-22 season has been a great season for the Kings, but we have even bigger goals to achieve and we're excited to work towards them this season. I am proud to play for such a great organization and look forward to continued success," paglalahad ni Washington.
Dahil dito, makakasama ni Washington sinaThirdy at Kiefer Ravena, Dwight Ramos, Matthew Wright, at Justine Baltazar sa liga.
Huling naglaro sa Washington sa Blackwater Bossing at naging free agent na bago mag-umpisa ang PBA Season 47. Dati na rin siyang naglaro sa TNT, San Miguel, at Northport.