Kamakailan lamang ay inamin ni "Valentina" Janella Salvador na isa siyang single mom, kumpirmasyong hiwalay na sila ng boyfriend na si Markus Paterson.

Marami sa kaniyang mga tagahanga ang pumuri sa kaniyang katatagan ng loob na palakihin nang mag-isa ang kanilang anak. Lumutang pa ang kumpirmasyong hiwalay na sila ni Markus nang sabihin ng aktor para sa lahat, na huwag makikipag-date ng isang celebrity, ayon sa kaniyang karanasan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/05/janella-salvador-trending-sa-twitter-netizens-gigil-kay-markus/">https://balita.net.ph/2022/09/05/janella-salvador-trending-sa-twitter-netizens-gigil-kay-markus/

Kung may mga humanga, may mga pumula naman sa mga naging desisyon niya sa buhay. Isa na rito ang isang netizen na walang kaabog-abog na nagsabing bumigay raw kasi siya sa pogi kaya naging single mom siya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"Agad ka kasi bumigay sa pogi, 'yan napala mo, single mom ka tuloy," mababasang komento ng netizen.

Sumagot naman ang account na "Janella Salvador," Stop talking that you know everything. You don't know me. I'm not even judging your overly edited face."

Ngunit ayon sa mga netizen, hindi raw kay Janella na artista ang naturang facebook account; sa kabilang banda, siguradong aprub daw sa tunay na Janella ang pambabasag nito sa basher.

Matatandaang ganito rin ang nangyari noon sa isang bashing na natanggap niya. Sinabi ni Janella na hindi siya ang may-ari ng account subalit okay sa kaniya ang sagot nito.