Isinusulong ng isang kongresista angreopening o muling pagbubukas ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) sa gitna ng umiiral na krisis sa enerhiya sa bansa.

Sa privilege speech nitong Miyerkules, iginiit ni House Special Committee on Nuclear Energy chairperson, Pangasinan 2nd District Rep. Mark Cojuangco, malaki umano ang maitutulong ng BNPP sa kakulangan ng enerhiya sa bansa.

Naniniwala ang kongresista na makatutulong nang husto sa pagkakaloob ng sapat na suplay ng elektrisidad o enerhiya ang muling bubuksang planta sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Binanggit ni Cojuangco na napatunayang ang nuclear energy ay pinakamatatag sa ngayon at inihalimbawa ang pagpapalawig ng operasyon ng Diablo Canyon Power Plant sa California, United States na nauna nang itinakda ang pagsasara sa 2025.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang operasyon nito ay pinalawig matapos makatulong sa paglutas sa di-mapagkakatiwalaan at hindi matatag na suplay ng wind and solar energy.

Binanggit din niya na ang presyo ng elektrisidad sa Dagupan City ay biglang tumaas sa P24 per kilowatt hour (kwh), at maaaring sumipa pa ng hanggang P30/kwh kapag ang coal prices ay nagpatuloy sa pagtaas.