Viral sa social media ang biglaang pag-awit ng Philippine Madrigal Singers, sa iconic song na “Bituing Walang Ningning” sa restaurant ng dating aktres na si Aya Medel, dahil sa kanilang pagbalot o pag-take out nila ng mga natirang pagkain.
Ibinahagi ito ng isa sa mga miyembro na si "Dee Jai".
"Bago umuwi yung Madz, sabi ni Miss Aya Rechie Medel, wait daw kasi babalutin yung mga tirang foods and ipapa-take out sa kanila… maya-maya kumanta na sila ng BUTUING WALANG NINGNING! Hahahaha!! 'Balutin mo ako….' Haha! (Syempre bilang isang Sharonian at TakeOut Queen, super relate me!! Nateary eye tuloy akooooo…😂😂😂)."
"Mas nakaka-inspire magbalot ng pagkain pag ganito ang background music! Lol. Ganito po sila pag nasasarapan sa foods!😁 Maraming Salamat ulit Ishiaya for the very warm accommodation and scrumptious dinner… #ThePhilippineMadrigalSingers #WorldrenownedChorale #PhilippinesNationalTreasure," aniya.
Naging tipikal na ang terminong "Mag-Sharon" o pagkanta ng naturang iconic song dahil sa linyang "Balutin mo ako" na tumutukoy sa pagbabalot ng pagkain sa handaan upang mag-take out.
"Ganito po mag-take out 😍😍😍 'BALUTIN MO AKO' by Madrigal Singers at ISHIAYA'S GARDEN BISTRO," caption ni Aya nang ibahagi niya ang ulat ng Manila Bulletin Online sa kaniyang Facebook post, Setyembre 7, 2022.
"Philippine Madrigal Singers at ISHIAYA'S GARDEN BISTRO. (Ganito po magbalot ng food) kidding aside, it was unexpected na magkanta sila. Habang kumakanta sila, mapapaluha kasi sobrang galing! Yung ma-witness mo silang kumakanta in person ibang level mararamdaman mo."
Susuportahan umano ni Aya ang nakatakdang concert ng choir sa Albay Astrodome ngayong Setyembre 8, na nagkakahalagang ₱300 ang ticket.