Diretsahang tinawag na "tanga" ni Atty. Vince Tañada ang mga taong nag-iisip na "dilawan" ang prestihiyosong international award-giving body na Nobel Peace Prize, Harvard University, at maging ang FAMAS Award kung saan siya nanalo bilang Best Actor at Best Director para sa pelikulang "Katips" na humakot din ng pagkilala at parangal.

"Kung iniisip mo na dilawan ang Nobel Peace Prize, Harvard University at Famas Awards… ang tanga mo!" pahayag ng direktor sa kaniyang Facebook post noong Setyembre 3, sa kasagsagan ng balitang napili si Atty Leni Robredo bilang Hauser Leader para sa Harvard Kennedy School’s Center for Public Leadership sa Fall 2022 semester.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Patutsada pa ni Atty Vince, mas may value pa raw sa mga taong tinawag niyang tanga, ang kaniyang ulam na pares, na "ox brain".

"Mas may value pa itong ulam ko now kesa sa utak mo #yummy #ParesPoint #oxbrain," aniya.

Matatandaang nagawaran ng Nobel Peace Prize ang journalist na si Maria Ressa.

Bukod dito, binanatan din niya sa isa pang hiwalay na Facebook post ang "bayarang trolls".

"Bakit ba kasi galit na galit yung mga 'ano' sa tagumpay ng iba? Inggit na inggit ba? Well, sorry po kung nagsa-succeed. Baka po mahal kami ni Lord. Tapos ikaw nandyan pa rin sa P200 per post at P50 per comment. Kawawa ka naman. #buhaytroll," aniya.

Marami namang mga netizen ang natrigger sa kaniyang post.

Ang pelikulang "Katips" ang nakatapat ng pelikulang "Maid in Malacañang" sa direksyon ni Darryl Yap. Hawak na nito ang tinutulong "third highest-grossing Filipino movie of all time". Pangalawa naman ang "The Hows of Us" nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o "KathNiel" (Star Cinema), at ang nangunguna naman ay "Hello Love Goodbye" nina Kathryn at Kapuso heartthrob Alden Richards (Star Cinema).