Tatlong batang magpipinsan ang namatay matapos makulong sa nasusunog nilang bahay sa Quezon City nitong Huwebes ng madaling araw.

Sunog na sunog ang magpipinsang nasa edad 11, 7 at 5 matapos matagpuan ang kanilang bangkay.

Sa report ng mga awtoridad, dakong 3:00 ng madaling araw nang unang matagpuan ang sunog na bangkay ng dalawang bata--isang pito at limang taong gulang.

Natagpuan naman ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang ikatlong bangkay nitong Setyembre 8 ng umaga.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Sinabi naman ni QC-BFP Station 4 commander, Fire Senior Insp. Jose Felipe Arreza, nabitbit pa ng lola ng mga bata ang dalawa sa mga ito na nasa ikatlong palapag ng kanilang bahay sa pagitan ng Scout Santiago at Scout Tobias, South 17, Barangay Obrero.

Gayunman, nabitawan niya ang mga ito matapos siyang mahulog mula sa ikatlong palapag kaya nawalan ito ng malay habang inililigtas ng mga residente.

Sa pahayag naman Kathleen Ragindin, sumalubong na sa kanila ang makapal na usok at malaking apoy nang magising sila kaya hindi na nito nailigtas ang batang anak, kasama ang dalawa niyang pamangkin.

Dakong 3:00 na ng madaling araw nang maapula ang sunog.

Posible umanong faulty electrical wiring ang sanhi ng insidente.