Aabot sa₱24 milyong lapsed allotment na nasa savings account ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) kaugnay sa pagbili nito ng umano'y overprice na mga laptop ang pinababalikna sa Department of Education (DepEd).
“There is an amount that the PS-DBM needs to return as a lapsed allotment —₱24,303,547.70,” pahayag ni DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla nang humarap ito sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee hinggil sa usapin nitong Huwebes.
Hindi na ipinaliwanag ni Sevilla kung paano nito nakuwenta ang nabanggit na lapsed allotment, gayunman, binanggit nito na binayaran nila (DepEd) ng₱2.18 bilyon ang PS-DBM, kabilang na ang tatlong porsyento o₱69 milyong service fee.
Mahigit aniya sa₱2.3 bilyon ang kabuuang halaga ng mga nabiling laptop.
Kinumpirma naman ni PS-DBM executive director Dennis Santiago na nasa savings account pa ng ahensya ang nasabing halaga bilang tugon sa pag-usisa sa kanya ni committee chairman Senator Francis Tolentino.
Nang usisain muli ni Tolentino kung bakit hindi pa nila ito ibinabalilk sa DepEd ay tumugon si Santiago na hinihintay pa nila ang pahayag ng Commission on Audit (COA) sa usapin.
Nagkomento naman si COA Supervising Auditor Job Aguirre, Jr. at sinabing "hindi pinapahintulutan" ang PS-DBM na itago ang nabanggit na halaga sa kanilang savings account.
“Under the law, bawal talaga," pagbibigay-diin ni Aguirre.
Matatandaangnaging kontrobersyalang PS-DBM matapos sitahin ng COA hinggil sa pagbili ng overprice na mga laptop na gagamitin ng mga guro para sa ipinatutupad na distance learning sa gitna ng pandemya.