Nag-plead ng not guilty ang kontrobersyal na driver ng sports utility vehicle na sumagasa sa isang guwardiya sa Mandaluyong noong Hunyo, matapos basahan ng demanda sa hukuman.

Dumalo si Jose Antonio Sanvicente sa arraignment proceedings sa Mandaluyong City Regional Trial Court Branch 213, kasama ang abogadong si Danny Macalino.

Matapos ang kanyang arraignment, kaagad na itinakda ng korte ang pretrial sa kasong homicide sa Oktubre 4.

Matatandaang sinagasaan ni Sanvicente ang guwardiyang si Christian Joseph Floralde na noo'y nag-aayos ng daloy ng trapiko sa panulukan ng Julia Vargas Avenue at St. Francis Street nitong Hunyo 5.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Matapos ang insidente, kaagad na tumakas si Sanvicente at hindi kaagad sumuko sa kabila ng paghahanap sa kanya ng mga awtoridad.