CAMP MELCHOR F DELA CRUZ, Upi, Gamu, Isabela -- Inirekomenda ng Reserve Officer Legion of the Philippines ang dekomisyon kay Senator Loren Legarda kasunod ng isang pahayag.

Sa isang pahayag sa Facebook ni BGen Leoncio A Cirunay Jr (RET), nanunungkulan na Pangulo ng Reserve Officer Legion of the Philippines, na hinihikayat niya ang lahat ng miyembro at opisyal sa buong bansa na itakwil si Senador Loren Legarda bilang full-pledge Colonel sa Reserve Corps.

Ito ay matapos ang pahayag ng senador na ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front ay hindi kaaway ng estado.

Sinabi ni BGen Leoncio A Cirunay Jr (RET), na mariing kinokondena ng organisasyon ang deklarasyon ng suporta ni Senador Legarda sa CPP-NPA-NDF.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

“Labis kaming nalulungkot at dinaya sa pahayag ni Sen Legarda na siya ay nagtatrabaho sa NDF. Hindi namin kayang hindi kondenahin ang kanyang pronouncement. Siya ay miyembro ng Reservist corps na may ranggong full-pledge Colonel!” aniya.

Sinabi ni BGen Cirunay na hinihiling nila sa Department of National Defense na irekomenda ang dekomisyon ni Senator Legarda habang ipinahayag nito ang kanyang pagdududa sa nasabing senador.