Nasa 60 suspek ang inaresto ng mga miyembro ng Pasig City Police Station (CPS) dahil sa umano'y iligal na sugal sa 24-oras na sabay-sabay na operasyon mula Setyembre 6 hanggang 7.

Sa ulat na isinumite kay Col. Celerino M. Sacro Jr., Pasig CPS chief, nagsimula ang operasyon noong Martes, Setyembre 6, alas-12:01 ng umaga, at tumagal hanggang alas-12:01 ng umaga noong Miyerkules, Setyembre 7.

Nahuli ang mga suspek sa ilegal na sugal tulad ng cara y cruz, tongits, mahjong, rotation billiards, at dice games.

Nakumpiska ng mga pulis mula sa mga suspek ang gambling paraphernalia tulad ng dice, mahjong at billiards set; at kabuuang P22,358 bet money.

15% na kontribusyon ng SSS, para daw sa lifetime security?

Dinala ang mga suspek sa Rizal Medical Center (RMC) para sa medical examination bago sila inihain sa Pasig CPS para sa dokumentasyon.

Ang pulisya ay "naghahanda na magsampa ng mga reklamo sa City Prosecutor's Office" para sa paglabag sa Presidential Decree (PD) 1602 o (anti-gambling law).

“Pasig CPS will not waver in our campaign against all forms of illegal gambling and criminality within the area of responsibility and we will keep on conducting similar police operations to put them behind bars towards a peaceful and progressive Pasig City,” aniya.

Khriscielle Yalao