Ayon sa dating kalihim ng Department of Agriculture na si Emmanuel "Manny" Piñol, hindi na masama ang palitang P57 sa isang dolyar.
Sa isang Facebook post, sinabi ni Piñol na magiging mabuti sa mga overseas Filipino worker (OFW) ang pagbaba ng halaga ng peso kontra dolyar.
"P57 To $1 Is Not Entirely Bad. It's Good For Our OFWs & Local Food Producers. This Crisis Could Open Opportunities," ani Piñol.
Matatandaan na nagpatuloy ang downtrend ng peso sa ika-apat na sunod na araw ng kalakalan noong Setyembre 6, na pumalo sa all-time low value na P57.00 kontra isang dolyar sa gitna ng malakas na demand.
Para pa kay Piñol, kailangang galugarin ang mga pagkakataon upang masugpo o malabanan ang masamang epekto ng kasalukuyang krisis.
"We are facing a crisis. That's a given and undeniable fact. So how do we handle it? rant? sulk? despair? Talo tayo kung ganyan ang mindset natin," komento pa ng dating kalihim.
Aniya, "We have to explore opportunities to cushion or counter the adverse effect. Boosting local production and exports while lessening our dependence on importation are our options and opportunities. That's crisis management."
Samantala, umabot ang inflation sa 6.3% noong Agosto, mas mabagal kaysa sa 6.4% noong Hulyo ngunit mas mabilis pa rin kaysa sa target na hanay ng central bank na dalawang hanggang apat na porsyento.