High spirit ang singer na si Michael Pangilinan nang ibahagi niya ang kanyang video sa kanyang Instagram habang naglalakad-lakad ng maaga malapit sa hotel na tinutuluyan nila sa Canada. 

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Naroon kasi ang trio na “BuDaKhel” na kinabibilangan nila Bugoy Drilon, Daryl Ong at Michael Pangilinan para sa concert tour nila doon na naganap last Sept. 2 at 4. Kasama ang Power Diva na si Angeline Quinto. After ng Canada, US concert tour naman ang kasunod nila. 

Pagsasalaysay ni Michael ang buhay daw natin ay hindi mo mahuhulaan kung saang landas patutungo. 

Hindi raw kasi akalain ni Michael na makakarating sila ng Canada nang dahil sa talento ng kanilang boses bilang mga mang-aawit. Dinala raw kasi sila ng producer nila dahil sa gusto ng mga Pilipino na mag-show sila doon. 

“Well isa lang ang napag-isip isip ko habang naglalakad ako dito yung life natin talagang hindi mo siya… unpredictable, super unpredictable kasi sinong mag-aakalang na nandito kami sa Canada ngayon," aniya

Thankful si Michael kay Lord na nabigyan sila ng pagkakataong makarating ng ibang bansa. Dahil ika niya hindi naman lahat nabibigyan ng chance na makapunta ng Canada. Kahit daw medyo makulit sila hindi naman daw sila pinababayaan ng Poong Maykapal. 

Sa pagpapatuloy ng kanyang video tinanong daw sila doon kung may plano raw silang tumira sa States. 

Saad niya, “Well, kung pagbibigyan kami ng Diyos wala namang problema kasi sa buong buhay natin hindi naman puwedeng sa Philippines lang tayo titira. Kailangan nating ma-explore yung buong mundo. Pero bago tayo umalis sa Pilipinas gusto ko muna maikot namin yung buong Pilipinas yung Cebu, Davao, tira kami doon ng 1 year ganoon. Tingnan natin kung anong mangyayari kung saan kami dadalhin ng aming mga talento ng aming mga boses ng aming mga ugali. Kasi basically ganoon lang yun."

Maganda ang sinabi ni Michael sa huling video niya dahil todo ang pasasalamat niya sa mga taong tumatangkilik sa kanila bilang mga singers dahil kung wala ang mga tagapakinig at mga tagasuporta wala rin sila kung nasaan man sila ngayon. 

“Gusto ko lang magpasalamat sa inyo kasi isa kayo sa mga inspirasyon namin at kayo talaga ang bumubuhay sa amin. Kung wala naman nakikinig e di wala kaming…Parang fuel kung walang gas walang tatakbo diba. So para lang kaming vehicle kayo ang mga gas namin. So maraming salamat sa inyo.”