Hanga raw si Manay Lolit Solis sa naging desisyon ng Kapamilya actress na si Janella Salvador na maging single mom. Pero, aniya, huwag daw nitong sabihin na hindi niya kailangan ng tulong ng iba.

"Hanga ako sa desisyon ni Janella Salvador na maging single mom ng humiwalay siya sa kanyang BF, Salve. Ipinakita niya ang tapang at lakas ng loob. Pero huwag niyang sabihin na hindi niya kailangan at never siyang hihingi ng tulong kahit kanino," sey ni Manay sa kanyang Instagram post kamakailan.

"No man is an island. Hindi ka puwede mabuhay na mag isa ka lang, na walang tutulong sa iyo. Big words para sa isang tulad ni Janella ang sabihin kaya niyang mag isa ang mabuhay at hindi niya kailangan ang tulong," dagdag pa niya.

Marami tuloy tanong ang pumasok sa isip ng batikang kolumnista. Katulad ng mayroon daw bang gap ang pamilya ng aktres?

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

"Meron ba silang gap ng pamilya niya? Kahit sino sa pamilya niya ayaw niya ng tulong? Bakit? Paano niya bubuhayin ang anak? Saan siya kukuha ng gagastahin?" sunod-sunod na tanong ni Manay. 

"Kung sakali magtrabaho siya, sino ang titingin sa anak niya. Basta ipagdasal niya na makaya niya ang pagiging single mom, pero huwag na siya magsalita tungkol sa hindi paghingi ng tulong," sey pa niya.

Advice pa nito, hayaan lang daw ni Janella na tumulong yung mga gustong tumulong sa kanya para raw maging madali ang lahat. 

"Hayaan niya na iyon gusto siyang tulungan bigyan siya para mas maging madali ang lahat para sa kanya. We pray that Janella Salvador at ang anak niya magkaruon ng magandang buhay, at malagpasan ang lahat ng pagsubok na darating," aniya.

"A whole new world, a better one para sa isang single mother na tulad ni Janella Salvador. Bongga."

Matatandaang sa isang YouTube vlog ni Bernadette Sembrano kamakailan, inamin ni Janella na isa na siyang ganap na single mom, isang kumpirmasyon sa hiwalayan nila ng aktor na ilang buwan nang espekulasyon lang.

“Talagang nilalaban ko iyon. At the end of the day, alam kong kaya ko naman siya. As much as I love the people around me who are always there to help me, I always want to know na kaya kong gawin. I don’t want it to sound bad kasi, pero I can rely on myself na hindi ko kailangang humingi ng tulong sa iba,” anang aktres.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/09/05/janella-salvador-trending-sa-twitter-netizens-gigil-kay-markus/