Aminado si Kris Aquino na may mga pagkakataong nais na lang niyang isuko ang pagpapagaling dahil sa pagkahapo, bugbog na katawan, at marami pang pasakit dulot ng kaniyang komplikadong medikasyon.
Ito ang laman ng update ni Kris Aquino ukol sa kaniyang patuloy na paglaban sa sakit sa Amerika habang abot-abot pa rin ang kaniyang pasasalamat sa suporta at dasal ng mga taong kaibigan at pamilya.
“There have been times I wanted to give up because of fatigue & being forever bedridden; the bruises all over my body that suddenly appear; my inability (since February) to tolerate solid food; headaches; bone-deep pain in my spine, knees, joints in my fingers; and my constant flares esp. in my face that just keep getting worse…” ani Kris sa isang Instagram update kalakip ang larawan kasama ang dalawang anak.
Aniya, sina Josh at Bimby ang nagpapaalala na kailangan pa niyang lumaban.
“BUT I remind myself Kuya & Bimb still need me & mahiya naman ako sa lahat ng mga patuloy na nagdarasal para gumanda ang kalusugan ko if I just give up,” ani Kris.
“I am grateful to be blessed to have the means for us to move to another state, have more tests done & go to other specialists, and finally start my immunosuppressant therapy. I was warned that the safest form of chemotherapy (I don’t have cancer) that can be used for my autoimmune conditions will make me lose my hair. Hair will eventually grow back but permanently damaged organs won’t- so dedma muna sa vanity,” dagdag na detalye ng showbiz icon.
Ilang mga kaibigan at “guardian angels” din sa Houston ang pinasalamatan ni Kris.
Samantala, kinumpirma naman ni Kris ang ikaapat na niyang autoimmune condition, na aniya’y maaaring madagdagan pa ng panglima.
“Naguluhan si Ate during the zoom Q&A: to clarify we left the 🇵🇭 I was already diagnosed with 3 autoimmune conditions. It was while here in Houston that I was diagnosed with a 4th. Unfortunately, all my physical manifestations are pointing to a possible 5th- opo, pinakyaw ko na!”
Noong Hunyo nang ianunsyo ni Kris ang kaniyang pagsabak sa komplikadong medikasyon sa Amerika.