Pagkatapos nina Willie Revillame at mag-asawang Toni Gonzaga at Paul Soriano, ang sumunod naman na kumpirmadong magiging bahagi ng ALLTV, pangalan ng Advanced Broadcasting Media System o AMBS 2, ang dating ABS-CBN news anchor na si Anthony "Ka Tunying" Taberna.

Ibinahagi ni Ka Tunying sa kaniyang Facebook Live ang panibagong yugto sa kaniyang karera.

"Bagong pamilya, bagong kabanata. Tara, samahan n'yo ako!" ayon sa kaniyang caption. Lumagda na si Ka Tunying sa AMBS 2 kasama ang ilang mga ehekutibo nito kahapon ng Martes, Setyembre 6, 2022, gaya nina dating Senate President Manny Villar, Senador Mark Villar, at AMBS President Maribeth Tolentino.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Pabirong hiningi pa raw ni Ka Tunying kay President Tolentino ang ballpen na ginamit niya sa contract signing. Dagdag pa nito, ngayon lamang daw siya nakaranas ng contract signing ceremony sa buong panahon ng karera niya sa broadcasting industry.

“Mahal ‘tong ballpen na ‘to, Ma’am. Puwede bang itago natin ‘tong ballpen na ‘to? Ngayon lang ako nagkaroon ng signing ceremony sa buong buhay ko. Ganito pala pakiramdam," aniya.

Ibinahagi naman ni Ka Tunying sa kaniyang followers ang panibagong milestone sa kaniyang buhay. Kahit na nasa ALLTV na si Ka Tunying ay tuloy-tuloy pa rin ang pagbabalita nila ni Gerry Baja sa programang "Dos Por Dos" sa radyong DZRH.

Bukod sa panibagong network, masayang ibinahagi rin ni Taberna ang paggaling ng kaniyang anak na si Zoey.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/07/05/anak-ni-anthony-taberna-na-si-zoey-cancer-free-na-i-thought-that-my-life-would-end-at-13-years-old/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/07/05/anak-ni-anthony-taberna-na-si-zoey-cancer-free-na-i-thought-that-my-life-would-end-at-13-years-old/