Inaasahang papasok na sa bansa ang ika-9 na bagyo ngayong 2022, ayon sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Miyerkules.
Sa pahayag ng PAGASA, ang sama ng panahon ay huling namataan sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) nitong Setyembre 7. Ito ay nasa 1,539 kilometro silangan ng dulong northern Luzon.
Sa abiso ng ahensya, inaasahang papasok sa Pilipinas ang bagyo nitong Miyerkules ng gabi.
Tatawaging bagyong 'Inday' kapag nasa loob na ng PAR sa susunod na 24 oras, ayon sa PAGASA.
Sinabi ng PAGASA, nag-iipon pa ng lakas bagyo habang nasa labas ng Pilipinas.
Sa pagtaya ng ahensya, magdadala ng malakas na pag-ulan ang bagyo, kasama ang matinding hangin.
Kaugnay nito, makararanas naman ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang Palawan, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, and Tawi-Tawi nitong Miyerkules dulot na rin ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Babala pa ng PAGASA, asahan rin ang biglaang pagbaha at landslide sa mga tinukoy na lugar.
PNA