Matatandaan na naging usap-usapan kamakailan ang isang beach getaway ni Darren Espanto at Cassy Legaspi sa Batangas.

Pagbabahagi ng inang si Carmina Villaroel, may ibang mga kasamang kaibigan sa nasabing trip ang dalawa.

Kumpiyansa rin si Carmina kay Darren na parehong malapit sa kaniyang kambal.

“Ang maganda kasi kay Darren kasi pumupunta din sa bahay kaya kilala namin ni Zoren. Mabait na bata si Darren. Very respectful. Like I said, pinagdaanan ko ‘yan. Gusto kong ma-enjoy nila yung kanilang kabataan kumbaga. But it’s all clean fun,” ani Carmina sa isang panayam ng PEP.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Tiwala rin ang Kapuso celebrity mom para sa kaniyang dalawang anak.

“I always tell my kids that I trust them. I really trust them na sana ‘wag lang talaga nilang sirain kasi pinagkakatiwalaan ko sila. At yun ang importante, gusto kong maging masaya silang mga bata,” aniya.

Paglilinaw naman ni Carmina, wala pa umanong ligawan na nagaganap sa pagitan nina Darren at Cassy.

“Wala talaga. Maraming hindi naniniwala pero ‘yun talaga ang totoo,” anang ina.

Samantala, para kay Carmina, unti-unti nang natutupad ang mga pangarap ng kaniyang kambal.

Sa ngayon din, all-out lang ang suporta nilang mag-asawa ni Zoren Legaspi sa anumang gustong gawin nina Cassy at Mavy.

“Sa ngayon unti-unti, naabot na nila nang slight. Nandito lang kami ni Zoren para suportahan sila,” habang ipinunto rin ng ina na mahalagang ipinagpapatuloy ng kambal ang kanilang pag-aaral sa gitna ng kanilang showbiz career.