Ibinahagi ng aktor na si Carlos Agassi na hindi niya maigalaw nang maayos ang kaniyang kaliwang tuhod matapos niyang maaksidente habang naglalaro ng basketball.

Salaysay ng aktor sa kaniyang Instagram post kahapon ng Martes, Setyembre 6, hindi niya malaman kung bakit bigla na lamang tumiklop ang kaniyang tuhod habang naglalaro ng basketball. Dasal ang hiling niya sa kaniyang mga tagahanga para sa kaniyang agarang paggaling.

"Please pray for me, had a bad landing and my knee gave up and swayed side to side, can’t walk or move my leg. Sana speedy recovery and no need for surgery. 🙏 Thanks my love for taking good care of me. ❤️‍🔥 @sarinayamamoto".

"Freak accident before my 43rd birthday, I guess I’m retired na from basketball. 🙈😅 Thank you to everyone asissting & being patient with me, thank you so much Momskie for helping me & Sarina. Can’t believe I can’t stand 🙈 or walk or bend," ani Carlos.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sa kaniyang Instagram story, pakiramdam daw ni Carlos ay parang nadagdagan na siya ng timbang habang nasa bahay lamang at limitado lamang ang paggalaw, upang hindi lumala ang kaniyang injury.

Sa kabuuan, wala namang dapat ipag-alala nang malala ang kaniyang mga tagahanga dahil maayos naman siya at walang ibang pinsalang natamo mula sa pagba-basketball.