Tatlong resolusyon ang pinagtibay sa Kamara na nagbibigay-karangalan sa bagong Filipino world boxing champion na si Davemark "Doberman" Apolinario.

Sa pamumuno ni House Committee on Games and Amusements chairman, Cavite 6th District Rep. Antonio Ferrer, binanggit ang tagumpay ni Apolinario sa International Boxing Organization (IBO) na ginanap sa East London, South Africa nitong Hulyo 29, 2022.

Nahablot ni Apolinario ang kampeonato sa katunggali na si South African Gideon Buthelezi nang ipatikim nito ang first-round knockout sa International Convention Center sa nabanggit na bansa.

“As per the Rules of the House, our committee shall deal with all matters directly and principally relating to all forms of gaming and amusement. As such, we have jurisdiction over the PAGCOR, the PCSO, the PHILRACOM and the Games and Amusement Board,” ayon kay Ferrer.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Si Apolinario, taga-Maasim, Sarangani, ay wala pang talo sa 17 na laban nito.

Matatandaang sa professional debut nito, nagpakitang-gilas kaagad si Apolinario nang patumbahin nito sa unang round ang Pinoy na si Prince Canonero noong Hunyo 10, 2017.