Dalawang magkahiwalay na sunog ang tumupok sa mga residential areas sa Maynila noong Miyerkules ng hapon, Setyembre 7.

Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), umabot sa unang alarma ang sunog sa Villafojas St. sa Tondo alas-4:26 ng hapon.

Mula 5:43 p.m. ng hapnon, naapula na ang apoy.

Samantala, sumiklab ang isa pang sunog sa Dagonoy, Barangay 773 sa San Andres Bukid.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog alas-5:08 ng hapon, ayon sa DRRMO.

Idineklara itong under control ng probers alas-6:26 ng gabi.

Nasa pinangyarihan pa rin ang probers upang tuluyang maapula ang apoy sa magkabilang lugar.

Khriscielle Yalao