BAMBANG, Nueva Vizcaya -- Dalawang estudyante ang arestado ng magkasanib na tauhan ng Bambang Police at Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) – Nueva Vizcaya Police Provincial Office ( NVPPO) sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) regional Office 2 ( R02 ) matapos ang pagsasagawa ng anti-illegal drug buy bust operation sa Sitio Dinili Purok 7, Brgy. Calaocan nitong Miyerkules.

Arestado sina Ram,17, residente ng Brgy. Banggot, Bambang at Marc, 17, residente ng Sitio Punawa, Brgy. Calaocan, Bambang, habang nagbebenta ng one piece heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu sa isang pulis na umaktong poseur buyer bandang 2:30 PM.

Narekober sa kanilang mga ari-arian ang dark brown na wallet na naglalaman ng isang pirasong papel na naglalaman ng mga tuyong dahon na pinaniniwalaang marijuana na may fruiting tops, disposable lighter, coin purse color black na naglalaman ng isang pirasong papel na may tuyong dahon na pinaniniwalaang marijuana na may fruiting tops, glass tube pipe na may hinihinalang latak ng marijuana, marked money, cellular phone na naglalaman ng vaccination card, cellular phone, iPhone touch screen, isang pakete ng sigarilyo, tatlong piraso ng plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaniniwalaang shabu, at Mio Sporty motorcycle na walang plate number.

Ang Mio Sporty motorcycle ang ginagamit ng mga suspek bilang kanilang transportasyon at transaksyon sa paghahatid ng iligal na droga.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nasa kustodiya ng Bambang Police para sa dokumentasyon ang mga naaresto at ang mga nakumpiskang mapanganib na droga na hindi pa matukoy ang halaga.

Ang kanilang kaso ay ipinaubaya sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at isinasaalang-alang na ang mga suspek ay menor de edad, ayon sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office.