Excited na excited na nga ang TV host at aktor na si Willie Revillame dahil muli nang mapapanood sa telebisyon ang kanyang show na 'Wowowin' sa pamamagitan ng ALLTV o AMBS 2.

Ibinahagi ni Willie na mapapanood na ang 'Wowowin' sa Setyembre 13 sa ALLTV channel 2. Tila tatapatan nito ang Eat Bulaga, It's Showtime, at Lunch Out Loud.

"Starting September 13 alas-12 ng tanghali kasama n'yo na po ang hinihintay ninyong network, ito po ang network ng bawat Pilipino... ito ang ALLTV Network!" saad nito sa Facebook live ng Wowowin nitong Lunes, Setyembre 5.

Dagdag pa ni Willie, minamadali raw ang pag-ere ng show. “Para malaman niyo lang, minamadali ito. Ang gusto ng ating mahal na senador [Cynthia Villar], former senate president [Manny Villar] eh humabol tayo sa Pasko dahil ang gusto niya, araw-araw Pasko!" 

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Matatandaan na si dating Senate President Manny Villar ang nagmamay-ari ng ALLTV. 

Ibinahagi rin ng TV host na makakasama niya muli ang mga staff ng 'Wowowee' noon na nawalan ng trabaho. Biro pa nga niya na mapuputi na nga raw ang buhok ng mga ito.

Samantala, excited na rin si Willie dahil talagang gagawa raw ng paraan ng network upang makapagbigay ng saya sa mga manunuod.

“Ito pong istasyon na ito, hindi magiging madamot. Ito pong istasyon na ito, gagawa ng paraan para maging masaya, maging maligaya, at makapagbigay ng pag-asa at makapagbigay ng big time papremyo," saad ni Willie.

Ayon pa sa kanya, hindi raw grand launch ang mangyayari sa Setyembre 13. Talagang inihabol lamang daw ito para sa darating na Kapaskuhan.

"Sa totoo lang, hindi po grand launch 'to. Kumbaga, maihabol lang sa Pasko. Makapagbigay tayo ng magandang pamasko."

Nagpasalamat naman ang Wowowin host dahil sa tiwala na ibinigay sa kanya ng mga Villar.

“Ang gusto ng Villar family, kapag nag-uusap ho kami, O ano, Willie, so bahala ka na.’ Ganoon lang ho sila sa tiwala sa akin," aniya.

"To Former Senate President Manny Villar and of course Senator Cynthia Villar, Senator Mark Villar... Salamat, sobrang salamat sa tiwala ninyo sa akin.

“Ang sarap ng feeling. Lahat kami very excited, yung energy. Sabi ko, hindi lang sa simula ito tuloy-tuloy ito para sa mga kababayan natin.

“Sa hirap na pinagdaanan natin, two years na pandemic, hirap ng buhay, walang trabaho, pumipila para makakuha ng ayuda... Sa totoo lang ho, parte kami. Hindi man kami nasa hanay ng gobyerno, kami naman po eh may sariling kusa at pagmamalasakit sa ating mga kababayan.”