"Guilty" ang plea at humingi umano ng tawad si “Gwyneth Anne Chua” na mas nakilala bilang si “Poblacion Girl” sa "gusot" na kaniyang ginawa, matapos lumabag sa ipinatutupad na mandatory quarantine noong 2021, sa kasagsagan ng pagkalat ng Omicron variant ng Covid-19.

Matatandaang pumuslit si Chua sa kaniyang quarantine at tumakas mula sa tinutuluyang hotel upang maki-party sa Poblacion, Makati City noong Disyembre 23, 2021. Ito ay kasagsagan ng pagkalat ng Omicron variant ng Covid-19.

Nang sumailalim siya sa test, nagpositibp siya sa Covid-19 gayundin ang 15 pa niyang close contact sa naturang party.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/12/31/poblacion-girl-na-pumuslit-sa-isang-hotel-kahit-covid-19-positive-pananagutin-ng-govt/">https://balita.net.ph/2021/12/31/poblacion-girl-na-pumuslit-sa-isang-hotel-kahit-covid-19-positive-pananagutin-ng-govt/

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Basahin: https://balita.net.ph/2022/01/01/hotel-sa-makati-kung-saan-pumuslit-si-poblacion-girl-humingi-ng-paumanhin-sa-publiko/">https://balita.net.ph/2022/01/01/hotel-sa-makati-kung-saan-pumuslit-si-poblacion-girl-humingi-ng-paumanhin-sa-publiko/

Ayon sa ulat, dumalo si Chua sa sala ni Judge Maureen Rubio-Marquez ng Makati City Metropolitan Trial Court Branch 128 kahapon ng Lunes, Setyembre 5, dahil sa paglabag sa Republic Act 11332 o "Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act".

Nang tanungin umano sa kaniyang plea, sinabi ni Chua na "guilty" siya at humingi ng tawad sa gulong idinulot niya.

20,000 piso ang magiging multa ni Chua dahil sa kaniyang ginawa. Tumanggi nang magpaunlak ng panayam sa media si Poblacion Girl matapos ang pagdinig.

Tuloy naman ang pagdinig sa kaso ng security guard ng hotel na si Esteban Gatbonton, dahil "not guilty" ang plea nito.