Ibinahagi ng direktor ng "Maid in Malacañang" na si Darryl Yap na pangatlo na ang pelikula bilang "highest-grossing Filipino movie of all time", matapos tumabo ang kita nito sa ₱𝟲𝟱𝟬 milyon.

Ang pelikulang ito ng VIVA Films at VinCentiments na umano ang "highest-grossing Filipino movie of all time" sa panahon naman ng pandemya.

Ang may hawak ng titulong "highest-grossing Filipino movie of all time" ay ang pelikulang "Hello, Love, Goodbye" ng Star Cinema noong 2019, na kauna-unahang tambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Kumita ito ng ₱880.6 milyon.

Hawak din ng Star Cinema ang pangalawa, at ito ay ang "The Hows of Us" ng real-life couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o sikat sa tawag na "KathNiel". Kumita ito ng ₱810 milyon.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Mga pelikula rin ng Star Cinema at/o kolaborasyon nito sa VIVA Films ang may hawak ng iba't ibang highest-grossing Filipino movie sa iba't ibang taon, na karamihan ay mga pelikula ni Unkabogable Star Vice Ganda.

Sa isa pang Facebook post, sinabi ni Yap na ang mga nangyayaring tagumpay ngayon sa kaniyang buhay ay katuparan, ngunit sa tingin ng mga kalaban, kayabangan.

"35 years old."

"13 Movies"

"2 Box Office Hits"

"11 Top Films on streaming"

"9 Million total social media followers"

"1 Billion Social media content views"

"0 reason to be bothered."

"Sa kalaban, kayabangan. Sa nangangarap, katuparan," aniya.