Nasa siyam na engineers at technical personnel ng Metro Rail Transit (MRT)-3 ang sumailalim sa specialized training sa railway operations at maintenance sa Japan upang higit pang mapaghusay ang serbisyong ipinagkakaloob ng naturang rail line.

Sa isang kalatas ng MRT-3 nitong Martes, nabatid na ang naturang training ay isinagawa mula Agosto 29 hanggang Setyembre 3, bilang bahagi ng MRT-3 Rehabilitation Project.

Parte rin anila ito ng technology transfer ng MRT-3 Rehabilitation Project na magdedevelop ng mga bagong kakayahan at kaalaman sa mga personnel mula sa Department of Transportation (DOTr) na nakatalaga sa railways.

Binubuo ang pagsasanay ng workshops sa disaster management, station management control, light at heavy maintenance, at railway safety operations.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang mga MRT-3 trainees ay pinahintulutan ring saksihan at i-explore pa ang ilan sa pinaka-innovative na railway technologies sa Japan, gaya ng barrier-free accessibility transport facilities at train driving simulators.

"Overall, the training provided the trainees with enhanced knowledge and hands-on experience on railway transport system in Japan to facilitate cross-country learning and knowledge transfer," anang MRT-3.