Inilunsad ng Department of Transportation (DOTr) nitong Lunes ang isang Bike Lane Directory para sa mga estudyante at mga guro na nais magbisikleta sa pagpasok at pag-uwi mula sa eskwela.

Nabatid na ipinaskil ng DOTr sa kanilang social media accounts ang isang QR code kung saan makikita ang naturang directory.

"Students, teachers, and other school employees grab your bike and get ready to ride!" anang DOTr.

Nabatid na kailangan lamang na i-scan ang naturang QR code upang lumabas ang listahan ng 12 lungsod sa National Capital Region (NCR) na may mga bike lanes.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nakasaad din doon kung anu-anong mga eskwelahan ang pasok sa ruta upang maaaring planuhin ng mga bikers ang kanilang biyahe. 

"Find the nearest bike lane to your school with these easy steps," anang DOTr.

"First, scan the QR code to see if your alma mater is located near the major roads being traversed by the protected bike lanes," dagdag pa nito.

"Then, get a closer look at the maps per city in Metro Manila below to see the nearest bike lane route to your school!" anito pa.