Trending ngayon ang kwento ng 18-anyos na dalaga mula sa Casiguran, Sorsogon dahil pinatunayan nito ang pangako nitong sasamahan niya ang kanyang kasintahan kahit sa panahon pa ng kagipitan matapos niya magtinda ng fudge cake upang tulungan ang nobyo sa pambayad nito sa mga bayarin sa ospital.

Pagbabahagi ni Ara Hamor Ranas, na-confine ang kasintahan nitong si Ralph Rollen Mendoza, 18, sa Sorsogon, at na-diagnose na may electrolytes imbalance at low in potassium.

Matapos ang apat na araw sa intensive care unit (ICU) ay hindi pa rin nadagdagan ang potassium nito kaya kinailangan na nilang ilipat si Raplp sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) noong Agosto 9 kung saan ay namalagi rin siya ng tatlong araw sa ICU nito at na-dismis noong Agosto 26.

At upang makatulong sa pamilya ni Ralph sa lumulobong bayarin nito, naisipan ni Ara na magtinda ng fudge cake.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Kasama ang kinita nito sa pagtitinda ng fudge cake at sa maliit na negosyo niya, gano'n din ang mga tulong na natanggap nila, nakaipon sila ng humigit-kumulang na P35,000.

Ani Ara, noong panahon na siya ang nangangailangan ng masasandalan dahil dumating rin siya sa puntong naglabas-pasok din siya sa ospital ay hindi siya iniwan ni Ralph kaya naman ay hinding-hindi niya rin magagawang iwanan ang kanyang kasintahan.

Dagdag pa ni Ara, si Ralph ang kauna-unahan niyang naging kasintahan at gano'n din si Ralph, na first girlfriend si Ara.

"Magpagaling ka na nang tuloyan, huwag ka na magalala o malungkot kung di ka nakapag-aral ngayon sy, sabay tayo mag college next year. Stay in love pogi. Love you palagi," mensahe ni Ara kay Ralph.