SOLANA., Cagayan -- Inaresto ng lokal na pulisya ang isang umano'y civilian agent ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos ang walang habas na pagpapaputok sa Barangay Gadu, dakong 10:40 ng gabi, Lunes.

Kinilala ng Police Regional Office 2 ang suspek na si Julio Bayson, 61, habang ang mga biktima nito ay sina Unel Daroni, 37, at Raul Macasaddud, 42, empleyado ng Local Government Unit Solana, pawang residente ng nasabing barangay.

Ang pag-aresto sa suspek ay ipinatupad matapos iulat ng isang concern citizen ang walang habas na pagpapaputok sa nasabing lugar.

Ayon sa ulat, nagpapakilala ang suspek bilang ahente ng NBI at nakipagtalo sa dalawang biktima at pinagbantaan.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Inaresto ng Solana Police ang suspek at nakumpiska ang isang unit ng caliber 45 na may serial number na P1905911 na may pitong bala sa magazine nito. Narekoer din ang isang empty shell ng caliber 45. 

Ang suspek ay mahaharap siya sa kasong Grave Threat in relation to Violation of RA 10591, ayon kay Police Staff Sergeant Jeriemar Q Prieto, imbestigador sa kaso.