Itinanghal na "Outstanding Asian Star" para sa 17th Seoul International Drama Awards 2022 ang Kapamilya at "He's Into Her" star na si Belle Mariano.

Makikita sa Instagram post ng "Rise Artist Studio", ang talent camp ni Belle, ang pagbati nila para sa rising star ng Kapamilya Network, at isa sa bumubuo ng tambalang "DonBelle" (Donny Pangilinan-Belle Mariano).

"Congrats Belle for winning the 'OUTSTANDING ASIAN STAR 2022' in the Seoul International Drama Awards," ayon sa caption.

"Rise Fam is very proud of you!"

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Talaga namang umalagwa ang showbiz career ni Belle matapos ang pagbida nila ni Donny sa "He's Into Her" na kamakailan lamang ay nagtapos na. Bukod dito, patok din ang pelikula nilang "Love is Color Blind". Nagkaroon na rin siya ng sariling solo concert na "Daylight".

Ibinahagi ni Belle sa kaniyang Instagram post noong Agosto 28 ang appreciation niya sa palabas na HIH.

"Ang matapang umiiyak pero hindi nagpapasindak”

"Minutes before I stepped out of the stage, I told myself I won’t cry— because last night was a celebration of all of our hardwork and your support for the past 4 years. But upon hearing our graduation song, I can’t help not to shed a tear as it all flashed the memories we’ve shared throughout this journey."

"It was bittersweet because It felt like a farewell, but a great one as well because I spent it with you guys together with the HIH Staff and Crew, ABS-CBN Bosses, iWant TFC @iwanttfc, Ms. Van @v_r_v_ , Direk Chad @cvovidanes, Ate Maxine @maxinejiji, HIH Cast @hesintoherseries, I wouldn’t have done it without you guys❤️ and lastly, I’m glad I get to spend this journey with you Nato @donny thank you … No one can pull off Deib like you did."

Si Belle ang kauna-unahang Filipino actress na makatatanggap ng parangal na ito. Ang mga Pinoy artists naman na nakatanggap ng parangal na ito ay sina Kapuso stars Alden Richards at Dingdong Dantes noong 2019 at 2020.

Tatanggapin ng aktres ang kaniyang parangal sa Setyembre 22, na mapapanood nang live sa KBS 2TV.