Mula sa nakakalulang drone shots, underwater scenery bukod sa iba pang detalye, ang hinangaan ng netizens sa latest episode ng travel vlog ni Kapamilya actress Julia Barretto.

Bumiyahe patungong Island Garden City of Samal si Julia sa kaniyang pinakalatest na travel vlog ni sa YouTube.

Dito na-treat ang Kapamilya actress ng nakamamanghang atraksyon, at mainit na pagtanggap ng mga lokal na residente at tauhan ng isang resort.

Mula sa masasarap na pagkain, pagsuyod sa ilang local shops, at pagbisita sa ilan pang pribadong bahagi ng isla, game na game ding nakipag-jam at kumanta si Julia sa ilang kapwa guests sa isang gabi ng tugtugan sa isla.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Bakit may ‘Chinatown’ sa Pilipinas?

Na-enjoy din ng aktres ang sunset cruise, scuba diving, at ang pagbisita sa kilalang Giant Clam Sanctuary ng lugar gayundin ang pagdalo sa isang educational session kaugnay ng endangered species.

Wala ring kiyemeng sumabak si Julia sa ilang water activities kabilang ang kaniyang kauna-unahang dragon boat experience.

Binuksan din ng mga lokal para sa team ng aktres ang pamosong “Hagimit Falls” na sa ngayo’y ekslusibo lang para sa mga lokal na residente.

Ang lahat ng mga ito ay naitampok sa mahigit 28 minutong vlog ng aktres na anang netizens ay parang isang travel program sa telebisyon sa tindi ng kalidad mula sa nakakalulang drone at underwater shots hanggang sa swak na swak nitong sound scores at background music.

Dahil dito, napuno ng paghanga ang subscribers ni Julia na anila’y may extra effort para maimapalas ang ganda ng bansa.

“Julia setting the bar so high. This is the kind of content that we deserve. Informative, entertaining and helpful for our own tourism. Kudos to everyone on the juju team. You were all amazing,” sey ng isang subscriber.

“Grabe!!! I really like how Julia being humble to her team and to those who accommodate her in the city.”

“As an OFW this is sure the content we needed, fun, entertaining, informative and classy. This kind of place is what I miss the most and future travel goals. Keep exploring and show how fundamentally beautiful our country.”

“This is the best episode so far I think the reason why Julia’s travel series stand out the most is, that she’s really having fun and enjoying the moment. She’s also very aware and involved in her surroundings!”

“You're helping Philippine tourism and I love you for that. As an adventurer, I wish to travel like you do. Thank you, Julia, for giving us a tour of all of these places in the Philippines.”

“Parang nanunuod ako ng travel show sa TV! Kudos to the team and Julia herself!”

“This travel series truly showcase how beautiful each island they had featured. It makes me appreciate more how beautiful God created the Philippines. Thank you Julia!”

Ito na ang pang-anim na episode ng aktres sa kaniyang travel series kung saan nauna na niyang naitampok ang mga destinasyon kabilang ang La Union, Bohol, Baguio.

Samantala, na-meet din ni Julia ang ilang kawani ng Davao Tourism Department at bumisita rin ang aktres sa tanggapan ni Davao City Mayor Baste Duterte.

Sa huli, isang memorable travel para kay Julia ang pagbisita sa Samal Island at sa Davao.

“It’s not just the picturesque landscape that made me fall in love with the city but the Davaoeños. The warm welcome and their all-out hospitality really made me and the team feel at home.

“These people wanted to show that Davao has more to offer and true enough, I too was surprised of the places that we’ve been to,” pagtatapos ni Julia sa kaniyang vlog.

Pagtitiyak ng aktres, muli niyang dadayuhin ang lugar.

Kasalukuyang #32 sa trending list ng YouTube Philippines at tumabo na sa isang milyon ang views ng pinakahuling "Juju On the Go" episode.