Ganito binuksan ni Ogie Diaz sa kaniyang showbiz program sa YouTube ang opisyal na pagpasok ng “ber months,” hudyat ng pagsisimula ng mahabang Christmas season sa bansa.

Anang host kasama sina Mama Loi at Dyosang Pockoh, kabi-kabila na ang pagsulpot ng ilang classic Pinoy Christmas symbols kabilang na ang nag-iisang personalidad na si Jose Mari Chan na kilala sa kaniyang mga hit Christmas songs.

“Siyempre tayo po ay patuloy pa rin sa pagdarasal at pagtitipid at the same time dahil pamahal po nang pamahal ang bilihin ganitong papalapit na ang pasko,” ani Ogie.

“Hindi na po natin maaawat ‘yan no? Nakakaloka ng taon,” dagdag niya.

Tsika at Intriga

'DJ,' nabanggit ni Kathryn Bernardo sa Family Feud

Basahin: Bawas-presyo sa produktong petrolyo, ipatutupad sa Setyembre 6 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ngayong buwan ng Setyembre lang, bagaman nakatakda ang bawas-presyo ng produktong petrolyo, inaasahan at pinaghahanda na an publiko sa posibleng ng presyo bigas ng bigas sa merkado sa susunod na buwan.

Basahin: Presyo ng bigas, posibleng taasan ng ₱5/kilo next month – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ito’y kasunod pa ng mga naunang pag-umento sa presyo ng asin, asukal, de lata at bukod sa iba pa.

Basahin: Presyo ng asin, tumaas — DTI – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Dahil gusto natin na magkaroon ng magandang Pasko kailangan na natin magtipid,” segunda ni Mama Loi kay Ogie.

“’Wag natin iasa sa ibang tao, o sa gobyerno ang ating pamumuhay. Kilos-kilos pa rin tayo,” dagdag ng batikang showbiz manager.

Ang Pilipinas, bilang isa sa pinakamatatag na bansang Katolika sa mundo ay mayroong pinakamahabang selebrasyon ng Pasko mula Setyembre hanggang Disyembre.