Hindi dadalawin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa kulungan ang Pinoy na nasa death row sa Indonesia na si Mary Jane Veloso.

Ipinahayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa isang pulong balitaan sa Jakarta na hindi maiiwasan ang usapin.

“For matters that are of this sensitive nature, the President will have to – how do you call this? We cannot say more, we cannot say more than that.We cannot even guess as to why, but because it is of such a sensitive nature, then we proceed with deliberation,” anangopisyal.

Matatandaanginaresto si Veloso sa Yogyakarta noong Abril 2010 matapos mabisto sa kanyang maleta ang 2.6 kilo ng heroin.

Umaapela sa hukuman si Veloso na walang siyang kinalaman sa kaso dahil ibinigay lamang umano sa kanya ng dalawa niyang recruiter na sina Maria Cristina Sergio at Julius Lacanilao ang maleta.

Gayunman, hindi nito nakumbinsi ang korte at hinatulan pa rin siya ng kamatayan noong 2015.

Bago pa ang itinakdang pagbitay sa kanya sa pamamagitan ng firing squad, sumuko sina Sergio at Lacanilao sa mga awtoridad kaya nagpasya ang gobyerno na umapela sa Indonesia na ipagpaliban na muna ang pagpataw ng parusa kay Veloso.

Ilang araw bago ang nakatakdang pagtungoni Marcos sa Indonesia, dumulog ang mga magulang ni Veloso sa Department of Migrant Workers (DMW) upang maiparating ang kanilang liham kay Marcos.

"Mas lubos po kaming magpapasalamat kung sa lalong madaling panahon aymaiuuwisa Pilipinas ang aming anak na si Mary Jane dahil wala po siyang kasalanan,” ayon sa liham.