Matagumpay na nagsagawa ng opening ceremony ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa month-long programme sa pagdiriwang ng “Philippine Film Industry Month” ngayong Setyembre. Ito ay may tema na “Tuloy ang Kuwento: Ang Pagbabalik Pelikulang Pilipino.”

Ang event ay isinagawa noong Setyembre 2 sa Cinema 6 ng Trinoma Mall, Quezon City, sa pangunguna ng bagong Chair ng FDCP na si Tirso Cruz III kasama ang kanyang butihing asawa na si Lynn Cruz.

Present din ang iba pang mga personalidad gaya nila Direk Laurice Guillen, Direk Jose Javier Reyes, National Artist Ricky Lee, Paolo Paraiso, Nick de Ocampo, Jeffrey Sonora, Don Arawan, the family of the late Leopoldo Salcedo, Dianne Medina na nagsilbing host ng event, ang husband niyang si Rodjun Cruz at iba pa.

Sa umpisa ng programa nagbigay-pugay at pagkilala ang FDCP sa tatlong hinirang na bagong pambansang alagad ng sining sa pelikula na sina Nora Aunor, Direk Marilou Diaz-Abaya at Ricky Lee.

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

Naging paksa nila ang na-restore at ipapalabas na pelikula nang gabing iyon, ang 1961 Philippine biopic na “The Moises Padilla Story.” Pinagbibidahan ito ng the late Leopoldo Salcedo kasama sina Lilia Dizon, former President Joseph Estrada, Robert Arevalo, Max Alvarado, Ben Perez at iba pa sa direksyon ni Gerardo de Leon. Ilan sa mga nagbahagi tungkol sa political film na ito ay sina Teddy Go at Dik Trofeo.

Magandang panimula ito para sa FDCP na makita at mapanood ang mga classic films na naibabalik sa pinilakang tabing. Kaya naman natanong ng Balita Online si Chair Tirso III ukol dito.

Sabi niya, “Maraming tayong pelikulang narerestore. Ika nga para sa heritage nila para makita ng mga tao na even noong panahon pa, katulad niyan dinirek ni Gerardo de Leon. Marami tayong mga pelikula na dapat ikarangal para sa Pilipino at para sa pelikulang Pilipino.”

Dagdag pa ni Chair Tirso lahat daw ng pelikula na puwedeng i-restore ay gagawin daw nila. Isa-isa raw nila itong ibabalik ang mga importanteng pelikula at gagawan ng paraan para sa cultural at historical natin. Gagawin din anila ang lahat para sa ikauunlad ng movie industry at hangad din daw niya na sana ito na ang simula ng pagbabalik saya at ligaya ng industriya ng pelikulang Pilipino.

Samantala, nagbigay din ng saloobin si Direk Jose Javier Reyes sa pelikula na gusto niyang ma-restore at mapanood ng mga tao. Ika niya, “Alam mo ang talagang atat na atat ako sana mapalabas nila ay yung kauna-unahang “Darna” ni Rosa del Rosario. I think napakahalaga na ipakita mo yung unang pinagmulan ni Darna at sa mga interpretasyon ng Darna sa ngayon. Marami pa yung mga kauna-unahang Edna Luna’s kauna-unahang “Dyesebel” yung mga klasiko ni Mars Ravelo na bahagi na ng kulturang popular.”

Dahil daw doon makikita ang bawat interpretasyon ng mga direktor noon at ngayon na hanep na ang technology.