Tinatayang aabot sa ₱1.8 bilyong halaga ng imported goods at asukal ang nadiskubre ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa isang bodega sa Batangas nitong Linggo.
Sa pahayag ng BOC, sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng ahensya, Armed Forces of the Philippines operatives (AFP) at Philippine National Police-Crime Investigation and Detection Group ang isang warehouse sa Central Asucarera Don Pedro sa Barangay Lumbangan, Nasugbu nitong Setyembre 4.
Nabisto sa lugar ang 181,299 sakong imported na refined sugar na galing sa Thailand at 197,590 sakong asukal na gawang Pilipinas.
Sinabi ng ahensya, ito na ang pinakamalaki nilang operasyon simula nang magsagawa sila ng inspeksyon ng mga bodega nitong Agosto.
Isinara muna ng BOC ang naturang bodega habang nagsasagawa pa sila ng imbestigasyon.
Matatandaang sunud-sunod ang isinagawang pagsalakay ng BOC sa mga bodega ng asukal matapos mabisto ang "illegal" na Sugar Order No. 4 upang umangkat ng 300,000 metriko toneladang asukal kamakailan.
PNA
ReplyForward