Naglabas ng special order no. 75 ang Palasyo ng Malacañang upang pormal na italaga ang Pangalawang Pangulo ng bansa na si Sara Duterte bilang Officer-in-Charge habang nasa state visit sa Indonesia at Singapore si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. mula Setyembre 4 hanggang Setyembre 7, 2022.

Alinsunod sa inilabas na special order, inaatasan ng Pangulo ang Pangalawang Pangulo na pangasiwaan ang pang-araw-araw na operasyon ng Tanggapan ng Pangulo habang wala ito; gayundin, lahat ng kagawaran, ahensya, at tanggapan ng pamahalaan ay inaasahang makikipagtulungan sa kaniya.

"All acts of the Vice President for and on behalf of the President pursuant to this Order shall be deemed acts of the President, unless disapproved or reprobated by the President," saad pa.

Marami naman sa mga netizen ang napaghambing ang dalawang senaryong ito sa naging sitwasyon nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at dating Pangalawang Pangulong Leni Robredo. Wala raw ganitong special order sa panahon nila.

"Pinapakita lang ni PBBM na malaki ang tiwala niya kay VP Inday Sara. God bless PBBM and VP Inday Sara."

"The VP should always be the next in line when the President is out for official travels. This is a normal protocol."

"That's prolly the closest opportunity for Leni to experience the country`s presidency… luckily for Filipinos, it didn't happen…"

"This is new. I'm used to seeing the executive secretary, the one being designated as OIC. This is the first time I see a president designate the VP as OIC."

"Dapat ganiyan din ang ginagawa ni PDutz kay Leni noon."

"Bakit hindi 'yan ginawa ni PRRD noon kay VP Leni?"

"May tiwala si PBBM kay VP Sara. Si PDU30, baka wala siyang tiwala kay Lenlen."

"Maganda talaga kapag magkasundo ang P at VP."