Usap-usapan ngayon ang rebelasyon ng isa sa mga suspek sa paggahasa at pagpatay kay Jovelyn Galleno na si Leobert Dasmariñas na umano'y inalok siya ng pera ng isang pulis para lamang "makipagtulungan" siyang maresolba na ang kaso tungkol dito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/02/99-99-confirmed-ang-dna-kalansay-ng-bangkay-na-natagpuan-kumpirmadong-si-jovelyn-galleno/">https://balita.net.ph/2022/09/02/99-99-confirmed-ang-dna-kalansay-ng-bangkay-na-natagpuan-kumpirmadong-si-jovelyn-galleno/

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/23/jovelyn-galleno-ginahasa-pinatay-ng-pinsang-buo-bangkay-ng-dalaga-bungo-at-kalansay-na-nang-matagpuan/">https://balita.net.ph/2022/08/23/jovelyn-galleno-ginahasa-pinatay-ng-pinsang-buo-bangkay-ng-dalaga-bungo-at-kalansay-na-nang-matagpuan/

Inakusahan umano ni Leobert ang pulis na si Police Station 2 Commander P/MAJ Noel Manalo sa programang "Raffy Tulfo in Action" o RTIA.

National

Guanzon, binalikan dating pahayag ni Willie hinggil sa politika: ‘Igiling-giling talaga!’

Nangako naman si Dasmariñas na handa umano siyang sumailalim sa lie detector test upang mapatunayan ang kaniyang sinasabi. Kapag napatunayan umano sa lie detector test na hindi nagsisinungaling ang suspek, ipagpapatuloy pa rin ni Senador Raffy Tulfo ang pagtulong dito.

Kung hindi naman nagtugma ang kaniyang mga sinasabi sa lie detector test, puputulin at ititigil na ni Tulfo ang pagtulong sa kaniya.

Matatandaang ilang beses nang nagbago-bago ang pahayag ni Dasmariñas tungkol sa kinasasangkutang krimen, kasama ang pinsang si Jovert Valdestamon.

Samantala, itinanggi naman ni Manalo ang paratang sa kaniya ni Dasmariñas.