Ibinebenta sa halagang P5.5 billion ang hindi natapos at nakatiwangwang na ‘Fantasy World’ sa Lemery, Batangas.
Base sa Facebook post ng Tanauan City of Colors, Sabado, ang 150 ektaryang lupain ay may isang clean title kalakip ang ilang properties na nakapaloob sa mawalak na lupain.
Kabilang sa maiuuwi ng bibili nito ang ilang hotel, amusement park, simbahan, Olympic size swimming pool, theme park, at ilan pang gusali.
Sa mga nagdaang taon, nakatiwangwang lang ang nasabing park na nagsilbi lang photo attraction sa ilang turista sa pangangalaga ng isang homeowner association.
Kilalang pagmamay-ari ng isang negosyanteng Hapon at nasabing theme park na hindi naipagpatuloy ang operasyon dahil sa kawalan ng pondo.
Dagdag ng Facebook post, ibinebenta rin ang mga kalapit na mga lupain sakaling may panukalang palawakin o isaayos ang pamosong theme park.