Matapos ang tatlong taon, nag-perform bilang iDolls sa huling pagkakataon sina Idol Philippines alumni Lucas Garcia, Enzo Almario at Matty Juniosa noong Biyernes, Setyembre 2.

Ito ang anunsyo ng Kapamilya trio sa pamamagitan ng isang Facebook post ni Enzo, Sabado.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Pinasalamatan ni Enzo ang mga nakasaksi sa huling performance nila bilang grupo sa Newport World Resorts, The Grand Bar & Lounge.

“Thanks sa lahat who watched our last live show. 🥹I was really holding back my tears kasi 3 years din ‘yun sisters. 🥲Through ups and downs, away at bati, kayong dalawa kasama ko. Thank you sa inyong dalawa and I love you both. ‘Til we cross paths again! iDolls signing off. 🥲” mababasa sa post ni Enzo kalakip ang larawan nilang tatlo.

Taong 2019 nang simulang mag-perform bilang grupo sina Lucas, Matty at Enzo, pare-parehong alumni ng unang season ng Idol Philippines.

Kabilang sa mga most viewed performance nila sa YouTube ang birit cover ng “Dalaga”, “Mabagal”, “Hanggang Dito Na Lang”, bukod sa iba pa.

Taong 2020 nang magsimula ring mag-upload ng contents sa kanilang YouTube channel ang iDolls na kasalukuyang may mahigit 42,000 subscribers.

&t=1150s

Pansamantalang nabuwag ang grupo dahil sa nakatakdang pag-alis ng bansa ni Matty sa pagpapatuloy nito sa kaniyang pag-aaral abroad.