Itinalagang diplomat ng Pilipinas sa United Kingdom si dating Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin, Jr..

Ang pagkakatalagani Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kay Locsin bilangAmbassador Extraordinary and Plenipotentiary to the United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland ay kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nitong Linggo.

Si Locsin ay dating nagsilbi bilang kalihim ng DFA sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Naging kongresista rin si Locsin ng Unang Distrito ng Makati City mula 2001 hanggang 2010 bago siya itinalagang ambassador ng Pilipinas sa United Nations mula 2017 hanggang 2018.