Usap-usapan ngayon ang kuhang video kay dating Vice President at ngayon ay chairperson ng "Angat Buhay Foundation" na si Atty. Leni Robredo kung saan makikitang nagsasalita siya sa harap ng mga dumalo sa isang thanksgiving event na kaniyang dinaluhan sa Pampanga.

Sa naturang video na kumakalat sa Twitter, inaddress ni Atty. Leni ang mga karaniwang panlalait na natatanggap niya umano sa mga trolls kagaya ng "bobo", "lutang", at "Madumb". Nabanggit niya ang pagtataas ng kilay sa kaniya sa pagiging "Hauser Leader" ng Center for Public Leadership (CPL) sa Harvard Kennedy School.

"Ano yung gagawin ko sa Harvard? Hinihintay ko nga kung ano yung sasabihin ng trolls eh," hirit ni Robredo na ikinahalakhak at ikinapalakpak naman ng audience.

"Excited ako kung ano yung… kasi 'di ba yung pinaka-narrative na… pinaka-narrative nila sa akin bobo ako, 'di ba? Bobo ako, lutang, Madumb… yun yung sabi nila. Pero sabi ko nga, talaga ang Diyos, yung Diyos talaga marunong. Kasi… yung mga dumarating sa akin, parang hindi ko naman sino-solicit."

National

Pahayag ni VP Sara, ‘active threat’ sa buhay ni PBBM — Malacañang

"Pero nung nagsabi nang nagsabi ng 'Madumb' binigyan ako ng Ateneo ng honorary degree. Tingin ninyo ang Ateneo magbibigay sa isang lutang at bobo? Di naman siguro… Tapos ngayon, hindi lang Ateneo kundi Harvard," nakangiting pahayag ni Robredo. Muli namang humiyaw at nagpalakpakan ang audience para sa kaniya.

"Hindi naman sa pagyayabang pero parang ang feeling ko kasi, sagot iyon ng Diyos para sa kanila."

Binanggit pa ni Robredo na marami siyang natanggap na imbitasyon mula sa iba't ibang mga kolehiyo rito na maging guest speaker siya sa kanilang commencement exercise. Hindi lamang daw niya napuntahan ang tatlo dahil nasa bansang Turkey sila ng mga panahon na iyon, kasama ang tatlong anak. Mapalad namang napaunlakan ni Atty. Leni ang College of Law at College of Civil Engineering.

Iginiit ni Robredo na hindi naman daw siguro sila kukuha ng magiging guest speaker na hindi karapat-dapat.

Bagama't hindi naman daw niya kailangang depensahan ang kaniyang sarili, very ironic daw na habang ipinagdidiinan ng mga basher niya na "bobo", "lutang", at "madumb" siya, saka naman dumarating ang mga rekognisyon sa kaniya.

"Ganoon magtrabaho yung Diyos," saad pa niya habang pinapalakpakan siya ng audience.

https://twitter.com/thegeldof/status/1566231091580526592

Mula sa Twitter account ni @thegeldof

Sa kasalukuyan ay trending ang "Madumb" sa Twitter.