Nakaka-relate ang former beauty queen na si Alma Concepcion sa mga PWDs o "Person With Disabilities" na nakasama niya sa advocacy film niyang “Meantime Nanays” na nagkaroon ng gala premiere night noong Agosto 31 sa NCCA, Intramuros, Manila dahil minsan din siyang naging PWD.
Ang nasabing pelikula ay tungkol sa mga health workers na binubuwis ang buhay para sa pag-aalaga sa kabataang may COVID-19. Hatid ito ng RDH Entertainment Network, The Lovelife Project at Yaeha Channel.
Pero hindi ito naging hadlang sa pagkatao ni Alma upang maabot ang kaniyang mga pinangarap sa buhay. Sey niya, “Very close to my heart ang PWD kasi PWD din ako. I grew up with disability as early as 8 years old. I was diagnosed with grand mal epilepsy and I was taking medicine for almost thirty years almost all my life. And thank God that I became medicine free na... na-win out ko ang sa medication like 12 years ago. So medicine free na ako and I considered that a miracle kaya talagang very close to my heart ang mga PWDs.”
Nagbalik-alaala si Alma dahil kahit daw epileptic siya, sumali siya ng Binibining Pilipinas noong 1994 and eventually nanalo siya ng Binibining Pilipinas International. Naging positibo raw siya sa kung anuman ang kaniyang pinagdadaanan noon. Ika nga niya, “You can sharpen the positive side. You can just set aside the negative. You can strengthen the positive side. You break boundaries, there’s more to life ang daming magagawa.”
Sa ilang mga nakatrabaho niya sa pelikula, bagama't mga baguhan, never daw siyang tumitingin sa kung anong klase yung tao o katayuan. Sabi niya, “I see each person as a soul not a person.”
Kahit single mom si Alma, masaya niyang ibinalita na ga-graduate na ng college next year ang unico hijo niyang nasa New York. Malamang present siya sa mahalagang araw na iyon. Natutuwa raw siya kahit na empty nester siya, nagagampanan niya ang business niyang Beautederm, acting, motherhood at minsan on and off interior designing. License interior designer din kasi si Alma.
Samantala sa “Lolong” ng GMA-7 bilang si Ines Candelaria, sobrang naging close raw sila ng buong cast. Memorable at masaya siya dahil napabilang siya sa naturang drama action series. Ito rin daw ang pinakamatagal na lock-in taping na naranasan niya dahil 40 day lock in taping sa kasagsagan ng pandemic last January.
Bilang dating beauty queen nagbigay siya ng pahayag about kay Herlene “Hipon Girl" Budol na ngayon ay lalaban ng Ms. Planet International 2022 sa Kampala, Uganda sa November. Ani Alma, “Raise your flag! I am very proud of her na akala niya siguro wala na siyang international pageant tapos biglang meron. Talagang wow! Wow!